Story of the week: Stuck with a Lovers Quarrel

Oh title pa lang! Nakakaintriga na! Naranasan nyo na ba, na maipit sa away ng inyong magulang? Yung tipong bilang anak di mo na rin  alam kung san ka lulugar. Yung bigla ka na lang malilito, lalo na pag sabay nag-utos ang dalawang ito. Ang PETMALU pa dito! bigla na lang nilang isusumbat ang mga ginagawa nila para sayo, mga linyahang "Oh ! Ako muna sundin mo, AKO nagbibigay baon mo" at sasagot naman yung isa na "Subukan mo! Wala ng mamalantsa ng damit mo!" At syempre biglang anak, doon ako susunod sa nagbibigay ng baon, kaya ko naman kasing mamalantsa ng sarili kong damit, pero ang pumasok na walang baon? Jusko! I cannot! Minsan naman may gantong scenario, yung bigla na lang silang mag aaway. Ang matinde dito! Damay pati anak! Kaya ayun minsan pare-parehas ng mainit ang ulo ng buong pamilya. Pero ang pinakamalupet talaga! yung dahilan ng pag aaway. Juicekolord! Pagbili lang ng ulam talaga ang pinag-awayan nila( -.-). Hayyyyyy ang ending nalipasan ng gutom ang lahat. . . Pero ang nakakafacepalm talaga yung makita sila na sweet after ng isang malabagyong away! Samantalang ikaw, stress pa rin sa kanila.
 # AngHirapMagpalakiNgMagulang

Comments

Popular posts from this blog

My Alma Mater: Tanza National Comprehensive High School

Reflection: Demo Teaching Part II