Story of the week: STOP!


                  Nakakalungkot lang na yung mga taong inaasahan mo na susuporta sa pangarap mo, sila pa pala yung mga magiging hadlang sa pangarap mo . Madaling sabihing tumigil ka na ! Oo madali, sobra! pero ang mahirap na part eh yung tanggapin yung katotohanan na wala ka ng babalikan pag tumigil ka pa “NGAYON”. Ang hirap na rin kasing lagi ka na lang iintindi sa mga bagay na wala ka namang kinalaman. Yung feeling na lagi na lang sayo yung fallback. Akala kase nila ok lang sakin, pero yung feeling na unti-unti na rin nilang pinapatay yung pangarap mo. Ika nga nila “matalino ka naman , maiintindihan mo naman,makakabalik ka pa naman”. Hahaha sarap nilang sigawan! Yung di mo na rin maiwasan na di sumama yung loob , yung di mo na rin maiwasa na makaramdam ng galit. Kase lagi na lang ganun, nakakapagod na , nakakasawa na. Yung pakiramdam mo na parang di mo na kaya, yung isang pitik na lang talaga bibitaw ka na. Yung di ka na rin makagawa ng mga schoolworks mo kase halos gabi-gabi ka ng umiiyak iniisip kung kaya pa ba. Kase alam mo sa sarili mo na may magagawa ka pa kahit sobrang hirap na. Hayyy! Kailangan lang talagang maging malakas, umaasang kaya pa! Laban lang! Jusko Lord kayo na po ang bahala #Power !!!!

Comments

Popular posts from this blog

My Alma Mater: Tanza National Comprehensive High School

Reflection: Demo Teaching Part II